By Ma. Alaine Pernecita Allanigue
Natagpuan
kong muli si Fellini
Sa
pelikulang Siglo ng Pagluluwal, maihahalintulad ang papel ng direktor sa isang
pelikula ni Federico Fellini na 8 ½ na aking napanood dati. Pinakita rito na
ang direktor ay nasa sitwasyon kung saan hindi niya alam kung paano tatapusin
ang kanyang pelikula o obra. Pagdating sa katapusan nito ay parehong mayroong ding
pananaw ng pag-asa sa kaayusan at kapayapaan sa gitna ng kalituhan o paghahanap
sa ninanais. Narito rin ang mga eksenang pelikula sa loob ng pelikula at
paghahalo ng realidad sa imahenasyon. Sa ganitong paraan maipapaliwanag ang
realidad, ito ay maaari ding likhain ng tao batay sa kanyang imahenasyon at
pagtanggap sa katotohanan.
![]() |
Photo Source: http://www.philippinereporter.com/wp-content/uploads/2011/09/Siglo-ng-Pagluluwal-Cebtury-of-Birthing1.jpg |
Pakikipagsapalaran
para mahanap ang katotohanan
Sa
aking pananaw sa pelikula, ito ay nagpapakita ng pagsusumikap ng mga karakter o
tauhan para mahanap ang katotohanan. Bawat tauhan sa kwento ay may
kaniya-kaniya ring kahulugan sa katotohanan. Kung susuriin natin, ganito ang
tao, kadalasan ay naghahanap sila ng katotohanan ngunit maaaring ang hinahanap
nila ay ang nais nilang maging kahulugan para sa katotohanan. Marahil isa rin
sa dahilan kung bakit patuloy sa paghahanap ang isang tao sa katotohanan ay
dahil sa hindi lamang nila matanggap ang katotohanang natatamasa nila kaya’t
maaari itong mauwi sa kabaliwan. Sa kabilang banda, aniya nga ng karakter na si
Angel Aquino, may dalawang pilian lamang ang direktor sa kwento, ito ay
ipresenta kaniyang pelikula sa kung ano ito o ibaon sa limot. Sa kamatayan rin
maaaring mauwi ang lahat na makikita sa tauhang ni Amang Tiburcio na hindi
matanggap ang katotohanang mawawalay siya sa kaniyang mga minamahal na alagad.
At ang babaeng alagad na nagdalang-tao, nabaliw rin siya sa katotohanang wala
na siyang tahanang mauuwian o matutuluyan, ang tahanan ng pagmamahal at
pagkalinga ay wala narin.
![]() |
Photo Source: http://thefragileprincess.files.wordpress.com/2012/05/birthing-2.jpg?w=460&h=258 |
“Long
Takes”
Mayaman
ang pelikulang Siglo ng Pagluluwal sa tinatawag nilang “long takes” o mahabang
eksena na walang putol. Sa aking pananaw, isa sa mga layunin ng paraang ito ay
para makabuo ng pagsasalarawan o “photograph experience”. Animo’y tumitingin ka
sa isang napaka-laking larawan. At gaya ng pagsuri sa isang larawan, mabibigyan
ka ng pagkakataon na igala ang iyong mga mata sa buong imahe ng eksena. Mula sa
apat na kanto ng imahe hanggang sa paghahanap ng “subject” ng larawan, madadala
ang manonood o tumitingin sa lugar kung saan nais siyang dalhin ng pelikula.
Magkakaroon din ito ng realismo gaya ng ginagawa ng Lumiere brothers kung saan
ang camera ay nasa isang pwesto lamang at hindi gumagamit ng mga galaw gaya ng
zoom, pan at tilt.
Samantala,
isang magandang paraan din ito para masubok ang pasensya ng manonood. Tulad ng
paghihintay sa isang sanggol na iluluwal, kinakailangan ang mahabang pasenya
nang paghihintay sa sanggol na isisilang. Sa paghihintay nabubuo ang kahulugan
ng pag-asa o pag-abang. Kung ihahalintulad sa pelikulang ito, nagkakaroon ng
pag-abang sa kung anong mangyayari o sa mga kasagutan sa mga tanong ng
manonood.
May
kaakibat na paghihirap din ang paghihintay na ito, kasabay ng hindi maiiwasang
antok, pagod ng mata at katawan, gutom at iba pa, may kapalit din kagandahan
ang tiyaga na inialay mo sa panonood ng pelikula. Para naring nadama ng
manonood ang mga pagsubok at hirap na dinanas ng isang taong gumagawa ng
pelikula para may maipamalas sa tao.
![]() |
Photo Soure: http://i.imgur.com/HSEGb.jpg |
Ang
katapusan
Ang
bawat manonood ay may kalayaan na isipin ang kasagutan sa katapusan ng isang
pelikula at bumuo ng konklusyon kanyang isipan. Hindi siya makakadena sa
mismong ninanais ng isang direktor o manunulat na gumawa ng istorya. Sa
ganitong paraan magiging matagumpay ang isang palabas.
No comments:
Post a Comment