Friday, March 1, 2013

Malayang Sine


By Ma. Alaine Pernecita Allanigue
Sanaysay sa Pagkaunawa sa Malayang Sine





Habang umuusad ang panahon, patuloy din sa pag-usad ang mga kahulugan ng mga bagay-bagay gaya ng sine o pelikula. Kung dati ay isang libangan ang panonood ng mga palabas. Para sa akin, naiiba ang hangarin ng malayang sine. Hindi nito hangad na maaliw ang mga manonood bagkus nais nitong buksan ang kaisipan ng tao sa mga lihim ng lipunan para matanggap ang mga ito at kung may problema ay mabigyan ng solusyon. Wala rin sa layunin nito ang makisabay sa alon ng napagkasunduang realidad na gusting makita ng mga manonood para masigurado na maiibigan siya ng lahat bagkus hindi ito natatakot sa magiging opinyon ng sambayanan, ang mahalaga ay masalamin niya ang kasalukuyang takbo at kaganapan sa sosyedad.



Bakit hindi itinatago ang maraming basura sa eksena? Bakit may kahubuan at natural ang homoseksuwal? Bakit may droga at patayan? Ilan lamang ito sa mga hindi maikakailang sangkap ng nasabing pelikula. Dahil ang mga ito ay ilan din lamang sa mga inililihim ng sambayanan na dapat silipin at isiwalat para sa kamalayan ng nakararami. Natali ang komunidad na maging tahimik sa ganitong mga usapin dahil narin sa kultura. Kung magkagayon, ang kultura ang gumagawa sa tao. Kaya’t may ilang nilalang na sumasaliwa sa nakasanayang kultura at gumawa ng bago para ang tao naman ang gumawa ng kultura. 




No comments:

Post a Comment